There were 1,516 press releases posted in the last 24 hours and 298,251 in the last 365 days.

Robin Stresses Welfare of Filipino Workers in Czech Republic in Meeting with Philippine Officials There

PHILIPPINES, July 10 - Press Release
July 10, 2024

Robin Stresses Welfare of Filipino Workers in Czech Republic in Meeting with Philippine Officials There

Philippine officials in the Czech Republic must be proactive and ensure they have the capability to ensure "equal pay" and other benefits for thousands of Filipino workers there.

Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla stressed this in a courtesy meeting with officials of the Philippine Embassy in Prague Tuesday afternoon (Tuesday evening in Manila).

"Bilang paghahanda, nakikita natin ang pangangailangan na maging proactive ang ating gobyerno at siguraduhing handa ang ating Embahada na tutukan ang mga pangangailangan ng ating mga manggagawang Pilipino. Nararapat na siguraduhin na ang Embahada natin sa Czech Republic ay may sapat na mga empleyado upang mapangalagaan hindi lamang ang kapakanan ng ating mga kababayan pati na din ang ating bilateral relations sa Czech Republic (Our government needs to become proactive and our embassy in particular should be prepared not only in ensuring the welfare of our Filipino workers there, but also in enhancing our bilateral relations with the Czech Republic)," said Padilla.

He promised to do everything he can to help in this preparation.

There are at least 7,000 skilled Filipino workers who may avail of "equal pay" in the Czech Republic.

Following the state visit of President Ferdinand "Bongbong" R. Marcos Jr. to the Czech Republic last March, an agreement was forged to allow the entry of some 10,000 Filipino workers to the Czech Republic every year.

"Mabuting balita po ito lalo na't ang Czech Republic ang unang bansa sa Europa na nagbigay ng 'equal wage' para sa mga banyagang manggagawa nito (This is good news especially since the Czech Republic is the first country to give 'equal wages' to foreign laborers working there)," said Padilla.

During the meeting, Padilla and the officials of the Philippine embassy also tackled the good relations between the Philippines and Czech Republic.

Present at the meeting were Padilla, Philippine Ambassador Eduardo R. Menez; Consul General Indhira Banares; and labor attache Atty. Llewelyn Perez.

Padilla is in the Czech Republic to study its policies on the use of medical cannabis. Padilla is pushing for the legalization of medical cannabis in the Philippines, as a low-cost and effective alternative to medicines used to address various illnesses.


Kapakanan ng mga Pilipinong Manggagawa sa Czech Republic, Iginiit ni Robin

Dapat proactive at may sapat na kakayahan ang mga opisyal ng Pilipinas sa Czech Republic upang tiyakin ang "equal pay" at iba pang benepisyo ng libo-libong Pilipinong manggagawa doon.

Iginiit ito ni Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla sa courtesy meeting niya sa mga opisyal ng embahada ng Pilipinas sa Prague nitong Martes ng hapon (Martes ng gabi sa Pilipinas).

"Bilang paghahanda, nakikita natin ang pangangailangan na maging proactive ang ating gobyerno at siguraduhing handa ang ating Embahada na tutukan ang mga pangangailangan ng ating mga manggagawang Pilipino. Nararapat na siguraduhin na ang Embahada natin sa Czech Republic ay may sapat na mga empleyado upang mapangalagaan hindi lamang ang kapakanan ng ating mga kababayan pati na din ang ating bilateral relations sa Czech Republic," ani Padilla.

Nangako siyang gagawin niya ang lahat na makakaya niya para makatulong sa paghahanda.

Sa kasalukuyan ay may 7,000 manggagawang Pilipino na maaaring makinabang sa "equal pay" sa Czech Republic.

Matapos ang state visit ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" R. Marcos Jr. sa Czech Republic noong Marso, nagkaroon ng kasunduan na magpapahintulot sa pagpasok ng mahigit na 10,000 Pilipinong manggagawa sa Czech Republic kada taon.

"Mabuting balita po ito lalo na't ang Czech Republic ang unang bansa sa Europa na nagbigay ng 'equal wage' para sa mga banyagang manggagawa nito," ani Padilla.

Napagusapan din sa pagpupulong ni Padilla at mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas ang bumubuting relasyon ng Pilipinas at Czech Republic.

Kasama sa pagpupulong ni Padilla at opisyal ng embahada sina Ambassador Eduardo R. Menez; Consul General Indhira Banares; at labor attache Atty. Llewelyn Perez.

Nasa Czech Republic si Padilla upang pag-aralan ang mga patakaran nito sa paggamit ng medical cannabis. Isinusulong ni Padilla na gawing legal ang medical cannabis sa Pilipinas bilang mura at epektibong alternatibo sa gamot para sa mga karamdaman.